Reading Time: 1 minute

LA UNION – Aabot sa P2 milyon ang danyos sa nasunog na bahay sa Barangay Accao, Bauang, La Union alas-8:00 kagabi.

Napag-alaman ng Bombo Radyto La Union na pag-aari ito ni Anastacia Huganan, 71, isang biyuda, residente sa nabanggit na lugar.

Bago ang insidente, nakita nilang umiiyak ang isang bata na galing sa isang silid na umano umuusok ngunit hindi umano nila ito pinansin kung saan kaalaunan ay hindi na nila naapula dahil malakas na ang apoy dito.

Gayunman, nagpapasalamat ang mga nakatira sa bahay na walang nasugatan sa kanila.

Sa ngayon ay pansamantalang nakipisan muna ang mga nasunugan sa kanilang kapitbahay habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kinakuukulan hinggil sa nangyaring sunog.