DAVAO CITY – Patuloy ang manhunt operation ng Davao del Sur Police Provincial Office at mga miyembro ng militar laban sa nagmamay-ari ng plantasyon ng marijuana na nakatakas matapos ang isinagawang operasyon.

Nabatid na aabot sa P2 milyon ang halaga ng mga tanim na marijuana sa isang plantasyon sa Sitio Notong, Barangay Kimlawis, Kiblawan, Davao del Sur.

Ayon sa Davao del Sur Police Provincial Office, kinuha ng mga miyembro ng Kiblawan-Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency-11, at mga taga-1st Platoon, ang nasa 10,0000 na fully grown marijuana.

Pagmamay-ari umano ang plantasyon ng nagngangalang Yee Bungan, residente sa nasabing lugar na may pending warrant of arrest.

Hindi na umano naabutan ang suspek nang nagsagawa ng raid dahil agad na tumakas ang mga ito.

Sa gitna ng imbestigasyon sa lugar, narekober din ng mga otoridad ang itinapon na homemade 12 gauge shot gun ni Bungan na puno ng mga bala.