
Inanunsiyo ng Embahada ng South Korea sa Maynila na magbibigay ang gobyerno ng South Korea ng P17 million na tulong pinansiyal para suportahan ang mabilis na recovery at rehabilitasyon ng mga probinsiyang sinalanta ng nagdaang super typhoon egay sa Pilipinas.
Personal na ipinaabot ni Korean Ambassador to the PH ang magandang balita na ito kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Sa parte naman ng DFA chief, nagpaabot din ito ng pasasalamat sa gobyerno ng SoKor para sa patuloy na humanitarian support nito para sa Pilipinas.
Matatandaan na tumulong din ang SoKor noong nakalipas na Abril sa pag-contain ng oil spill sa Oriental Mindoro kung saan ipinadala nito ang Korean Coast Guard Emergency Response Team at nagbigay din ng US$210,000 or katumbas ng P11 million halaga ng personal protective equipment at iba pang mga suplay.










