Inihahanda ng gobyerno ang P17 billion para sa hiring ng 50,000 contact tracers sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang anunsyo matapos sabihin ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na nangangailang pa ang Pilipinas ng 76,000 contact tracers pero kulang ang pondo ng Department of Health (DOH) para mag-hire ng mga qualified contact tracers.

“Itong budget po nito, kinakailangan pa ng batas para gastusin. Isasama po ito sa Bayanihan 2,” ani Sec. Roque.

Ang Bayanihan 2 ay ikalawang panukalang batas na papalit sa Bayanihan to Heal As One Act na nagpaso na at nagbigay kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte pa mag-realign ng P275 billion sa 2020 national budget para sa COVID-19 response.