CAGAYAN DE ORO CITY- Umabot sa P16-Milyon ang naging danyos sa pagkasunog ng pitong bahay sa Hayes St. Brgy 40 sa Cagayn de Oro City.

Sinabi ni BFP-CDeO Operations head Fire Sr. Insp Sam Lawrence Velarde na patuloy pa nilang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog ngunit sa inisyal na impormasyon ay nagmula ang apoy sa bahay ni Flor Gacia dahil sa naiwang lampara.

Umabot sa ikatlong alarma ang nasabing sunog bago naapula.