-- Advertisements --

Arestado ang dalawang drug suspeks sa ikinasang joint buy bust operation ng PNP at PDEA sa Brgy. Abut, Quezon, Isabela kung saan nasabat sa mga ito ang nasa P16 million halaga ng marijuana.


Kinilala ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang mga inarestong drug suspects na sina Anwar Sindatoc, 54-anyos, residente ng Las Piñas City at Elson Cabunyag, 43-anyos, residente ng Port Area, Manila.

Sa report ni PRO-2 regional Police Director BGen. Crizaldo Nieves, binentahan ng dalawang bricks ng marijuana ang police undercover nina Sindatoc at Cabunyag.

Nagtangka pa umanong tumakas ng mga suspeks pero nahuli na sila sa isinagawang quarantine checkpoints ng mga otoridad.

-- Advertisement --

Sa nasabing drug operation, nasa kabuuang 125 bricks at apat na tubular packs ng marijuana na may timbang na 130 kilos na nagkakahalaga ng P16 million.

Nakumpiska din sa mga ito ang nasa tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400, 1 caliber 45 pisto, 1 M14 rifle, cellphone at boodle money.

Patung patong na kaso ang kahaharapin ng mga suspeks.


kabilang ang paglabag sa Republic Act 9165 or Dangerous Drugs Act at Republic Act 10591 or Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Act.

“I commend our police and PDEA agents for a successful teamwork and cooperation which led to another positive operation against illegal drugs”, pahayag ni PNP Chief Sinas.