Nasa P14 million halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga kapulisan sa isinagawa nilang anti-drug operations sa Novaliches, Quezon City kagabi.

Naaresto ang 31-anyos na suspek na si alyas “Jin” sa loob ng apartelle.

Sa pag-iimbestiga ng mga kapulisan, inutusan lamang siya mula Batangas na ideliver ang package sa Quezon City.

Inaalam pa ng mga kapulisan kung sino-sino ang mga kasamahan ng suspek sa paglusot ng droga kasabay ng ipinapatupad na lockdown.