Inaprubahan na Philippine Economic Zone Authority ang nasa mahigit Php12-billion na halaga ng investment commitments sa bansa sa unang dalawang buwan ng taong 2024.
Sa isang statement ay sinabi ng naturang ahensya na aprubado na nito ang nasa Php12.096 billion na investments noong buwan ng Enero at Pebrero ng taong kasalukuyan.
Ito ay matapos na aprubahan ng ahensya ngayong buwan ng Pebrero
ang 16 na proyekto, na binubuo ng siyam na ecozone enterprise, tatlong IT enterprise, isang domestic market, dalawang ecozone logistics services, at isang developer.
Sinabi ng PEZA na ang mga inaprubahang proyekto ay inaasahang bubuo ng P9.884 bilyon na pamumuhunan, lilikha ng 2,243 direktang trabaho, at magbubunga ng $591.476 milyon sa exports.
Habang noong buwan ng Enero naman ay nagkakahalaga sa Php2.21 billion na 12 proyekto ang binigyan nito ng go signal na kinabibilangan ng pitong ecozone export enterprises, apat na information technology enterprises, at isang facilities enterprises a inaasahan namang may katumbas na USD69.62 million na halaga ng exports, at 1,337 direct jobs.
Ang mga ito ay mas mataas g 18.66% kumpara sa una nang naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Samantala, ayon kay Philippine Economic Zone Authority Director General Tereso Panga, ito ay nagpapakita at nagbibigay-diin lamang sa commitment ng ahensya na kamtin ang target nitong Php250-billion investments para ngayong taon.