Aabot sa P105 billion ang kailangang pondo taun-taon upang ganap na matugunan ang kulang na silid-aralan sa 2030.
Ayon sa Deprtment of Education (DepEd) , nasa 165, 433 ang aktwal na kulang na silid-aralan at may universal value na P420 billion ang kulang na silid-aralan kung saan nasa tinatayang 12,000 bagong silid-aralan ang kailangang maipatayo taun-taon.
Ginawa ni Undersecretary for Operations Revsee Escobedo sa isinagawang Senate deliberations sa panukalang 2024 budget ng DepEd at attached agencies nito.
Ayon pa sa DepEd official, nasa P2.5 million ang halaga ng average classroom kayat sa ganitong halaga aniya nasa 5,000 hanggang 6,000 kada taon ang kayang maipatayo ng DepEd.
Samantala, sinabi naman ng DepEd official naang pangmatagalang objective ng ahensiya ay makapagtayo ng multi-story buildings para ma-maximize ang eapasyo sa pagtatayuan ng mga silid-aralan sa buong bansa.