Hinimok ni Philippine National Police officer-in-charge (PNP-OIC) P/Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa ang lahat ng kanilang miyembro na mag-ambag ng tig-P10 para sa mga biktima ng pagsabog ng Taal.

Ayon kay Gamboa, ito ay voluntary contribution na kokolektahan ng mga unit commanders mula sa kanilang mga tauhan.

-- Advertisement --

Ang mga heneral at matataas na opisyal naman aniya ay welcome na mag-donate ng mas malaking halaga.

Inaasahan ni Gamboa na makakalikom sila ng P3 milyon katulad ng kanilang nalikom para sa mga pulis na nabiktima noong nakaraang lindol.

Pero nilinaw nito na sa pagkakataong ito, ang kanilang maiipon ay ekslusibong laan para sa mga sibilyang biktima at hindi para sa pulisya.