-- Advertisements --

CEBU CITY – Tinatayang aabot sa P10.3 million na halaga ng pinaniwalaang shabu ang nasakote ng Consolacion, Cebu Police matapos ang ginawang buy-bust operation sa Bry. Casili, Consolacion, Cebu.

Kinilala ng otoridad ang mga naarestong suspek na sina Mark John Ravanes at James Rabusa na posibleng hindi taga Cebu at pansamantala lang naka-base sa probinsiya.

Nakuha ng otoridad mula sa mga ito ang mahigit isang kilo ng hinihinalang shabu na ayon sa inisyal na imbestigasyon ay nagmula pa sa supplier sa Cebu City.

Patuloy na inimbestigahan ng otoridad ang dalawa habang pansamantalang nasa kustudiya ng Consolacion Police.

Kabilang sa nais malaman ng operatiba ang ibang indibidwal na posibleng kasabwat ng dalawa sa iligal na transaksiyon.

-- Advertisement --

Samantalang inaasahan ngayong araw na maisampa ang kasong kakaharapin ng mga suspek.