CEBU CITY – Aabot sa higit P1-milyong halaga ng pinaghihinalaang iligal na droga ang nasabat ng pulisya mula sa magkakahiwalay na operasyon sa Mandaue at Talisay, Cebu.

Nakuhanan ng 120-grams na may katumbas na P1-milyong suspected shabu ang high value target na si Carlo Alfanta, 22, at apat na kasama nito nang matunton ng Mandaue City Police.

Ayon kay police Capt. James Conaco, isang concerned citizen ang nagbigay ng tip sa kanilang hanay para suyurin ang Brgy. Labogon ng lungsod.

Nasa higit P130,000 namang halaga ng pinaghihinalaang shabu packs ang nakumpiska ng pulisya mula sa hiwalay na operasyon sa Brgy. Linao, Talisay City.

Naaresto sa naturang operasyon ang target na mag-pinsang sina Maclin at Jake Menija, kasama ang anim na iba pa.

Ayon kay PIB Chief Police Lieutenant Colonel Marlu Conag na isang high value target ng lalawigan si Barliso.

Sa ngayon ikinulong muna ang mga naaresyo kaugnay ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.