Duterte with MPC
Duterte

Tuloy pa rin ang pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P1 milyong pabuya sa bawat maaarestong convicted criminal na bigong susuko sa mga otoridad pagkatapos ng Setyembre 19.

Sinabi ng Pangulo na naghihintay lamang ang nasabing pabuya para sa mga convicted na maaaresto buhay man o patay.

Mas masaya pa aniya ito kung mapatay ang nasabing mga convicted criminals.

Magugunitang nagbigay ng hanggang Setyembre 19 ang Pangulo sa mga convicted inmates na pinalaya dahil sa kontrobersyal na good conduct time allowance (GCTA) law.

Sa ngayon ay mahigit pa lamang sa 500 ang sumuko mula sa halos 2,000 na napalaya dahil sa kuwestiyunableng GCTA.