Nasa P1-milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng mga kapulisan sa buy-bust operation sa Barangay Tumana, Marikina City.

Target ng operasyon ang isang sidewalk vendor at ang 52-anyos na kaniyang kapitbahay na nagsisilbing drug runner nito.

Sinabi ni Police Col. Restituto Archangel , hepe ng Marikina City PNP, na nanggagaling ang ibinebenta nitong droga sa barangay.

Inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa mga naarestong suspek.