Nagtalaga ang Government Service Insurance System ng isang bilyong pisong pondo para emergency loan program nito na layuning tulungan ang mga member at pensioners nito na apektado ng nagpapatuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.
Ito ay matapos na ideklara ng Sanggunian Panlalawigan ng Albay ang state of calamity para sa naturang lalawigan.
Ayon kay Government Service Insurance System president at general manager Wick Veloso, layunin nito na matulungan ang nasa 39,000 na kanilang mga miyembro at pensioners sa Albay na nangangailangan ng assistance.
Eligible para mag apply para sa naturang loan ay ang mga actibong miyembro nito na nakatira o nagtatrabaho sa calamity area na kasalukuyang hindi nag-avail ng leave without pay, walang pending administrative o criminal cases, at yung mga nabawasan na ng kanilang net take-home pay ng nasa Php5,000 sa lahat ng mandatory monthly obligations.
Maaari mag avail ng loan ang mga pensioners na may edad at kapansanan na nakatira sa lalawigan kung ang kanilang net monthly pension ay papalo ng 25% ng kanilang basic monthly pension loan pagkatapos ng loand availment.
Pahihintulutan din na makahiram ng hanggang Php40,000 ang mga GSIS members na mayroong existing emergency loan balance at makakatanggap din ang mgaito ng maximum net amount na Php20,000.
Habang maaari naman mag apply para sa isang PHP20,000 na pautang ang mga walang existing emergency loan.
Ang utang ay may mababang rate ng interes na 6% at isang tatlong taong termino ng pagbabayad.
Sa pamamagitan ng redemption insurance feature, sinabi ng GSIS na ang balanse ay ituturing na ganap na babayaran kung sakaling mamatay ang nanghihiram, hangga’t ang mga pagbabayad ay na-update na.
Pinayuhan ng pension fund ang mga miyembro at pensioner na mag-aplay para sa loan program sa pamamagitan ng kanilang ng GSIS Touch mobile application.
Samantala, tatanggap ang ahensya ng mga aplikante para sa emergency loan hanggang sa July 18, 2023.