ECSTACY TABLETS CUSTOMS

Umaabot sa P1,824,100 halaga ng ecstasy pills ang naharang ng mga otoridad na itinago sa package na ipinadala sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Ang parcels ay nagmula sa Leusden, Netherlands kung saan idineklarang “bags of candy”.

Pero matapos ang 100% physical examination sa mga packages sa apat na sealed clear plastics bumulaga ang ecstasy tablets na itinago sa caramel candy bags.

Isinailalim ang mga kontrabando sa laboratory test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at dito na nakumpirma na mga ecstasy tablets ang mga ito.

Ang consignee ng ecstasy tablets ay natukoy naman na si Kim Fuentes mula sa Makati City na naaresto habang nag-aantay sa package.

Samantala, nanguna sa operasyon ang Bureau of Customs-NAIA kasama ang PDEA at ang Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG.