-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang hiling ng DILG na P1.7 billion para sa karagdagan o extension ng contract ng mga contact tracers hanggang sa buwan ng Disyembre ngayong taon.

Ayon kay DILG spokesman at Usec. Jonathan Malaya umaapela ang DILG sa mga LGUs na ang mga contact tracers ay dapat na nakatutok sa active case findings lalo na sa mga lugar na nasa granular lockdowns.

Ginawa ni Malaya ang paalala matapos na makatanggap ang ahensiya ng impormasyon na nasa mahigit 2,000 mga contact tracers sa Metro Manila ang naitalaga sa mga vaccination na hindi naman daw dapat.