KORONADAL CITY- Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang limang drug suspek matapos maaresto sa isinagawang operasyon ng PDEA at Isulan PNP sa Prk. Gregorio Brgy. Kalawag 3, Isulan Sultan Kuradat.

Sa impormasyong ipinaabot ng Isulan PNP, nahuli ang mga suspek sa inilunsad na drug buy-bust operation nang pinagsanib na pwersa ng mga otoridad kung saan kinilala ang mga suspek na sina Noraida Sabang, Namraida Sengkong Mama, Aisa Nasser baldido, Abdul Zainudin at Anwar Kasim Macapending nasa legal na edad at pawang residente ng Cotabato City.

Base naman sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya nagmula Cotabato City ang mga suspek sakay sa isang UV Express Van at patungo naman sa Tacurong City ng hinarang ng mga otoridad.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang big sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1.2Million, mark money na nasa P150,000 at tatlong cellphone.

Sa ngayon inihahanda na ang kasong isasampa sa naarestong mga suspek