OVP LSIs 2

Nakapag-pauwi muli ng panibagong batch ng locally stranded individuals (LSIs) ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo, matapos makipagtulungan sa ilang local government units.

Sa online post ni VP Leni, nakasaad na biyaheng Albay ang ikalawang batch ng LSIs na tinulungang makauwi ng kanyang tanggapan at nang naturang provincial government.

Tiniyak ng bise presidente na sumunod sa kaukulang protocol ang mga bumiyaheng indibidwal bago umalis ng Bacalaran church complex, na siyang naging departure area ng mga umuwing stranded dahil sa COVID-19 pandemic.

“Sa ating pag-agapay sa LSIs, may mga protocol tayong sinusunod, tulad ng pagre-require ng mga dokumentong gaya ng medical certificate at authorization mula sa lokal na pamahalaan ng kanilang uuwiang lugar.”

“Nagpapatupad rin tayo ng disinfection procedures at temperature check sa bawat pasahero bago sila pasakayin sa mga bus. Sinisiguro rin natin na mabigyan sila ng makakain.”

Noong June 14 nang maghatid ang Office of the Vice President ng 784 stranded individuals pabalik ng Albay, Quezon, Sorsogon at Masbate, sa pakikipagtulungan sa isang bus company.

May mga inihatid din na mula Camarines Norte, Camarines Sur at Samar.