ROBREDO OASIS 3
-- Advertisements --
ROBREDO OASIS 4

Pormal nang inilunsad ng Office of the Vice President ang programa nitong “The Oasis Project” na layong magbigay ng temporary shelter sa mga COVID-19 health care frontliners.

Kasama ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo na naglunsad ang mga partners mula sa kanyang hiwalay na programang Angat Buhay.

“Hangarin ng proyektong ito na mabigyan ng ginhawa ang ating medical frontliners, sa gitna ng mga hamon na kanilang hinaharap sa mapanghamong panahong ito,” ayon sa Facebook page ni Robredo.

“Dahil sa husay, malasakit, at pusong ipinamalas ng ating mga kasama mula sa pribadong sektor, naitayo natin ang isang maaliwalas at maayos na pahingahan, na umaasa tayong makakatulong sa ating magigiting na hospital workers.”

ROBREDO OASIS 5

Ilan sa nakasama ng OVP sa paglulunsad ng programa ang ilang pribadong kompanya sa larangan ng furniture, construction; at mga engineer at architect.

-- Advertisement --

Ang binuksang temporary shelters ay matatagpuan sa Lung Center of the Philippines. Ayon na rin sa bise presidente, target pa nilang dagdagan ng mga partner ang lugar kung saan pwedeng magtayo ng mga ito.

ROBREDO OASIS 1

Bago pumasok ang Hunyo, inamin ni Robredo na ilan sa kanyang mga naging partner sa dormitory project ng health frontliners ang magsasara na.

Ito ay para bigyang daan ang pagbabalik negosyo rin ng mga ginamit na lugar at espasyo dahil sa paglalagay ng Metro Manila noon sa general community quarantine.

“Kasama kayo, muli na naman nating napatunayan na mas malakas tayo kapag sama-sama.”