-- Advertisements --
Walang patid parin ang Office of the Vice President sa pamamahagi ng kaukulang tulong sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Davao Region dulot ng umiral na shearline at LPA.
Nanguna sa pamamahagi ng tulong ang OVP-Disaster Operations Center katuwang ang OVP Davao Satellite Office.
Aabot sa kabuuang 3,860 na mga pamilya ang nahatiran ng relief bags mula sa Davao City, Davao de Oro at Davao del Norte.
Pinasalamatan naman ng OVP ang mga responder at volunteer na umagapay sa mga apektado nating kababayan sa Mindanao noong kasagsagan ng pagbaha noong isang linggo.
Siniguro naman ng tanggapan ng pangalawang pangulo na magpapatuloy ang pamamahagi nila ng tulong sa libo-libong pamilya sa Davao Region ngayong linggo.