Simula bukas, July 9, ay magaalok na rin ng ferry services ang Office of the Vice President (OVP) para sa mga COVID-19 frontliners at pasyente sa Cebu.
Sa Facebook post ni VP Leni Robredo, ibinahagi nito ang inisyal na schedule para sa biyahe ng ferry na mula Olango Island papuntang mainland ng Lapu-Lapu City, at vice-versa.
Ayon kay Robredo, maaaring sumakay sa serbisyo ang mga health workers, iba pang frontliners at pasyente sa Hilton Wharf sa Puntao Engano; at Sta. Rosa Port bilang mga terminal.
Simula noong Lunes, nagbukas ng shuttle service ang OVP, kasama ang mga partner mula sa private sector, para sa frontliners ng lalawigan.
Bukod sa mga libreng sakay, nauna na ring nagbukas ng dormitoryo ang tanggapan ni Robredo para sa health frontliners ng Cebu.
Isa ang lalawigan ng Cebu sa mga sentro ngayon ng pamahalaan sa pagre-responde sa COVID-19 dahil biglang buhos ng mga kaso ng sakit na naitala sa probinsya.