Reading Time: 1 minute

LEGAZPI CITY — Naiproklama nang panalo sa gubernatorial race si outgoing Senator Francis “Chiz” Escudero sa Sorsogon.

Nakuha ni Escudero ng Nationalist People’s Coalition ang panalo matapos matanggap ang pinakamataas na bilang ng mga boto na 303,960.

Ang kalaban nitong si Bladi Frivaldo ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan ay nakakuha lamang ng 31,867 votes batay sa election returns mula sa 768 clustered precincts.

Nakakuha naman ng tig-2,000 boto ang tatlo pang ibang kandidato.

Matatapos ang termino ni Escudero bilang senador sa Hunyo ngayong taon.

Heart to Gov Chiz

Samantala, proud wife ang aktres na si Heart Evangelista.