-- Advertisements --

ILOILO CITY – Dumipensa ang The Medical City – Iloilo hinggil sa ikinamatay ng pasyente na nagpositibo sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test ngunit unang nagnegatibo sa Rapid test.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Felix Ray Villa, Chief Executive Officer ng The Medical City – Iloilo, sinabi nito na ang pasyente ang namatay dahil sa bacterial infection at metastatic cancer at hindi sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Dr. Villa, sa isinagawang Raid test, nagpositibo sa IgG ngunit nagnegatibo naman sa IgM na nangangahulugan na walang active COVID-19 disease ang 70 anyos na pasyente.

Sa kabila nito, nagpositibo naman sa RT-PCR test ang matanda dahil sa natuklasang COVID viral RNA sa katawan nito ngunit hindi lang matukoy ng confirmatory test kung ito ay live o dead virus.

Nilinaw rin ni Dr. Villa na nasa isolation facility ang nasabing pasyente at nakasuot rin ng Personal Protective Equipment ang mga hospital staff bilang precautionary measure.