Supreme Court
-- Advertisements --

Muli na namang naka-self quarantine ang ilang mahistrado ng Supreme Court (SC) dahil sa posibleng exposure ng mga ito sa Coronavirus disease 2019 kaya naman muling ipinagpaliban ang oral argument sa kontrobersiyal na Anti Terrorism Act of 2020.

Sa abiso na pirmado ni Clerk of Court Edgard Aricheta, sinabi nitong kanselado ang oral argument na nakatakda dakong alas-2:00 mamayang hapon.

Dahil dito, nag-abiso na rin ang Korte Suprema sa mga petitioners at respondents sa oral argument na isasagawa sana ngayong araw.

Itutuloy naman ang oral argument sa Marso 16 o Martes sa susunod na linggo.

-- Advertisement --

Noong nakaraang buwan, isang beses na ring sinuspindi ang oral argument dahil sa parehong issue.

Noong nakaraang oral argument naman ay tinapos na ng mga mahistrado ng kataas-taasang hukuman ang paggisa sa mga petitioners ng reklamo at asahang ang mga respondent naman ang haharap sa susunod na hearing.