-- Advertisements --

Sa Disyembre pa ng kasalukuyang taon inaasahan mailalabas ng Commission on Elections (Comelec) ang official list ng kandidato para sa halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, hindi lahat ng mga political aspirants na naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) ay maisasama sa official list ng mga kandidato sa 2022 elections.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa aniya ang pagsasala na kanilang ginagawa sa lahat ng mga naghain ng COC.

Sa pagka-presidente pa nga lang, aabot aniya sa 97 ang bilang ng mga naghain ng kanilang COC habang sa pagka-bise presidente naman ay aabog ng hanggang 28.

Magugunita na Oktubre 1 hanggang 8 ang COC filing sa lahat ng posisyon sa halalan sa susunod na taon.

-- Advertisement --