Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakatakda na nilang buksan ang operations center sa Department of Justice, kaugnay sa task force against corruption.
Ipinaliwanag ng kalihim na ang operations center ang tatanggap, sasala at magba-validate sa mga complaints at mga reports laban sa mga iligal na aktibidad sa isang partikular na ahensya ng gobyerno.
Layunin anya nito na maimbestigahan at masampahan ng kaso ang mga isinasangkot sa korapsyon at pabilisin ang pagpapalabas ng resolusyon sa mga nakabinbing kaso.
Nilinaw naman ni Guevarra na bukod sa Depaetment of Public Works and Highways; Bureau of Internal Revenue; Bureau of Customs; Land Registration Authority at PhilHealth ay sisilipin na rin ng mega task force ang iba pang ahensya ng gobyerno.
Bilang namumuno sa mega task force ay bubuo rin ang DoJ ng mga strike teams na tututok partikular sa government agency o kung sino ang target nilang maimbestigahan.