Reading Time: 1 minute
Gen Oscar Albayalde
PNP Chief Albayalde

Hindi umano tumitigil ang PNP sa kanilang operasyon laban sa KAPA Community Ministry International Inc. at maging sa iba pang investment scam na nag-o-operate sa Pilipinas.

Ayon kay PNP chief P/Gen. Oscar Albayalde, nagpapatuloy ang pagbibigay nila ng suporta sa NBI na siyang lead agency sa pagtutok sa kaso ng KAPA.

Sinabi ni Albayalde, may hiwalay silang isinagawang operasyon laban sa mga naglipanang investment scam sa bansa.

Aniya, apat na investment companies ang sinalakay ng PNP Criminal Investigation and Detection Group kamakailan lamang kung saan ito ay ang: Organico; Regin E; Ada Farm; at Ever Arm.

Karamihan umano sa mga ito ay nasa Mindanao ang operation gaya ng KAPA.

Ipinaubaya na rin daw nila sa NBI ang pag-iimbestiga sa KAPA, habang sila ay nakatutok sa iba pang mga investment scam companies.

“Well isang napakaimportante po dito yung awareness, education ng ating mga kababayan and the closure of the different companies involved. Well then ang problema after the closure, baka mamaya meron naman lumabas na another company so what is very important is the education, the level of awareness ng mga kababayan na walang ganitong puwedeng mag-alok kahit sino, kahit pumunta ka sa SEC saka sa DTI or kung saan ka magtanong, even a businessman would say that’s quite impossible to
provide 15 to 400 percent interest monthly at that sa perang iinvest mo,” pahayag ni Albayalde.