Placido Domingo
Placido Domingo

Tinanggal na sa Royal Opera House si opera singer Placido Domingo sa nalalapit na event matapos na ito ay masangkot sa sexual assault.

Nakatakda kasi sanang magtanghal ang opera singer at conductor sa London sa darating Hulyo.

Ayon sa Royal Opera House, na wala silang natatanggap ng anumang reklamo kay Domingo at ang pagtanggal sa kaniya ay napagkasunduan ng dalawang panig.

Pinasalamatan din nila ang singer dahil sa matinding suporta na ibinigay nito ng ilang dekada.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay humingi ng paumanhin ang singer dahil sa pananakit nito sa mga kababaihan kung saan siya ay sinampahan ng reklamong pang-aabuso.