Eksakto isang linggo bago ang coronation ng 2019 Miss Universe, binuksan na ang taunang online voting contest para sa nasabing prestihiyosong pageant.

Nangangahulugan ito na maaari nang bumoto ang mga Pinoy pageant fanatics para sa ating pambato na si Gazini Ganados.

Libre lamang ito sa pamamagitan ng pag-clicki sa “green star” sa tapat ng pangalan ni Gazini sa official Miss Universe website.

Maaari rin namang bumoto ng ilang beses ang mga fans pero ito ay mayroon nang bayad dahil sa tinatawag na bundles.

Ang mga kandidatang makakahakot ng maraming boto ay otomatikong pasok sa Top 20.

Tatagal ang online voting hanggang sa December 6 na siya ring araw ng preliminary competition ng 68th Miss Universe sa Atlanta, Georgia.

Nabatid na nasa Georgia na ang kasalukuyang Fil-Australian titleholder mula Bicol na si Catriona Magnayon Gray.

Sa darating na December 9 (Manila time), kokoronahan na ni Catriona ang bagong Miss Universe.

Pambato ng bansa ngayong 2019 ang Cebuana-Palestinian beauty na tubong Zamboanga na si Gazini Ganados.