-- Advertisements --

Inilunsad na ng Land Tranportation Office (LTO) ang online application sa mga kukuha ng drivers license at student driver’s permit.

Ang nasabing hakbang ay para makaiwas sa pagkalat ng coronavirus.

Nasa 24 na LTO pilot site at ito ay sa Central Office sa Quezon City, Eastwood, San Fernando, Angeles, Cabuya, Davao, Lipa, Baguio, Tagum, Naga, General Santos, Calapan, Ormoc, Roxas, Laoag, Dumaguete, Tagbilaran, Butuan, Bayombong, Malaybalay, Pagadian, Ever Gotesco Driver’s License Renewal Office at Muntinlupa.

Sa susunod naman ng Linggo ay mayroong 20 karagdagang sites ang inaasahan LTO.

Sinabi ni LTO chief Edgar Galvante, na iniiwasan nilang magsiksikan ang mga tao sa kanilang opisina para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

-- Advertisement --