students online learning
-- Advertisements --

Pinatitiyak ng Malacanang na tuloy ang pasok ng mga estudyante sa pamamagitan ng internet at maging ang mga gumagamit ng modules, kahit may pinaiiral muling enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala namang mababago sa setup ng pagtuturo sa mga bata dahil online din naman ang instructions, habang ang iba ay nakasaad na sa reading materials ang mga gagawin.

“Online classes will continue because [students and teachers] do not need to go out of their houses anyway,” wika ni Roque.

Una rito, ibinalik sa ECQ ang Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal, dahil sa mataas na bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19.

Nitong Biyernes at Sabado ay magkasunod na lagpas 9,000 ang naidagdag sa bilang ng positibo sa deadly virus.

-- Advertisement --

Kung hindi sana nagkaroon ng paglobo ng COVID-19 cases, may mga lugar na sanang pinag-aaralan ng Commission on Higher Education (CHED) na isailalim sa limited face-to-face classes sa ikalawang bahagi ng academic year 2020-2021.