Chatri Sityodtong
Chatri Sityodtong

Inanunsiyo na ng ONE Championship ang pagbabalik ng mga laban.

Ayon kay ONE chairman Chatri Sityodtong, na gaganapin ang pagbabalik ng laban sa Hulyo 31 sa Bangkok, Thailand.

Pinasalamatan nito ang mga fans ng ONE dahil sa patuloy nilang pagtangkilik.

Tiniyak din nito na may mga health protocols silang ipapatupad sa nasabing mga laban.

Huling isinagawa ang laban ay noong Pebrero sa isang close-door setup sa Singapore bago magsimula ang coronavirus pandemic.

Noong nakaraang linggo ay nagsagawa na sila ng minor event sa Shanghai subalit walang anumang audience.