-- Advertisements --

Wala pang sapat na ebidensya sa ngayon na nagsasabing mas nakakamatay ang Omicron coronavirus variant kumpara sa ibang mga variants, ayon sa infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvana.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Salvana na kailangan pa ng masusing pag-aaral para matukoy kung ang Omicron variant ay mas severe o mas mahina kaysa Delta variant.


Sa ngayon, ang B.1.1.529 variant ang siyang sinisisi sa surge ng infections sa South Africa.

Kamakailan lang ay sinabi ng World Health Organization na kinukonsidera na nila ang Omicron bilang variant of concern.

Pero sa kabila nito ay hindi pa nila masasabi kung ito ay mas nakakahawa ba o hindi kumpara sa iba pang variants ng COVID-19 o kung ito ay nakakapagdulot ng severe disease.