Tokyo Olympics
Olympic

Kinansela ang gagawing sports conference ng mga Olympic stakeholder sa Beijing dahil sa coronavirus outbreak.

Dahil dito ang nasabing pagpupulong na gaganapin mula April 19 hanggang 24 ay gagawin na lamang sa Lausssane, Switzerland.

Magpapalitan kasi ng mga idea ang iba’t ibang sports governing bodies, tatlong buwan bago ang gaganaping Tokyo Olympics.

Magugunitang tiniyak ng Tokyo Olympics organizers, International Olympic Committee at World Health Organization (WHO) na hindi na kailangan pa ang pagpaliban ng Olympics na gaganapin sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.