Ibinahagi ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz ang kaniyang karanasan ng magpaturok ito ng COVID-19 vaccine.

Sa kaniyang social media sinabi nito na hindi na siya naging “choosy” sa bakuna na ituturok sa kaniya.

Matapos aniya ng kaniyang first dose ng bakuna ay babalik ito pagkatapos ng 28 na araw para sa ikalawang dose.

Nagpasalamat naman ito at hindi siya nakaranas ng anumang side effects mula sa nasabing bakuna.