LA UNION – Nag-aatubiling lumabas ngayon mula sa bahay ng kanilang mga amo ang mga Filipino workers (OFWs)sa Hong Kong dahil na rin sa nCoV scare.

Base sa impormasyon na ipinarating sa Bombo Radyo La Union ni Janette Del Rosario Orteza, isang Pinay worker sa Hong Kong, tubong Barangay Guinabang Bacnotan, La Union sinabi nito na wala munang salu-salo sa kanilang day off dahil natatakot silang mahawaan ng virus.

Sa ngayon ayon kay Orteza, sinusunod nila ang abiso ng mga kinauukulan na huwag lumabas kung hindi importante ang lakad, iwasang pumunta sa crowded places at ginagawa rin nila ang mga hakbang para protektahan ang sarili mula sa nCoV gaya ng pagsuot ng protective mask.

Kuwento pa ni Orteza na may ilang business establishments sa Hong Kong ang nagsara, maliban sa Disneyland at Ocean Park, na isinara rin simula noong Linggo para hindi kumalat ang virus.

Ang mga naturang amusement parks aniya ay dating punong-puno ng mga turista tuwing Lunar New Year holiday.
Gayunman, nanatiling business as usual ang mga hotels sa Hong Kong Disneyland.

-- Advertisement --

Sa ngayon, walo na ang kaso ng nCoV virus sa Hong Kong.