Reading Time: 1 minute

CEBU CITY – Nagpakamatay ang isang lalaking OFW pagkatapos nitong bomoto sa Brgy. Dinagat Soriano, sa lungsod ng Toledo, sa Cebu.

Kinilala ang biktima na si alyas Marvin, na kababalik lang sa bansa.

Ayon sa hipag ni alyas Marvin, nagtatalo umano ang biktima at ang kanyang asawa dahil gabi na itong umuwi sa kanilang pamamahay.

Dahil dito, nagtangkang magpakamatay ang biktima gamit ang duyan ng kanyang anak na sinubukang itali sa kanyang leeg.

Hindi na nailigtas pa si alyas Marvin at tuluyan na itong binawian ng buhay.

Samantala, matapos na isinara ang botohan ay nakaramdam naman ng power interruption ang iilang lugar sa hilaga at timog na bahagi ng probinsya ng Cebu lalo na sa Bogo, Daanbantayan, Medellin, at San Remegio.

Ito ngayon ang ikinabahala ng mga electoral board na baka maapektuhan umano ang transmission ng mga boto at ang resulta nito.