Reading Time: 1 minute

LA UNION – Aminado ang isang Pinay domestic worker sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) na hindi pa rin ito mapanatag matapos ma-rescue mula sa mapangabusong amo.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Mario Rivera, ama ng domestic worker na si Gretchen Rivera, na nai-kwento ng kanyang anak ang dinanas na pananakit ng dayuhang employer.

Ilang linggo raw kasi itong hindi nagparamdam at nabatid na nasa Embahada na Pilipias na ito sa Abu Dhabi.

Batay sa salaysay ni Rivera, isang Indian national ang tumulong kay Gretchen makaraang tumakas ito ng palihim sa bahat ng amo.

Hinatid daw nito ang Pinay sa isang kaanak na nagtatrabaho rin sa lugar, na agad ding naghatid dito sa Embahada.

Sa ngayon nakatakdang tulungan ng Bombo Radyo si Mario na tutungo sa Overseases Worker Welfare Administration para alamin ang estado ng anak sa ibang bansa.