-- Advertisements --
image 262

Inirekomenda ng Office of the Civil Defense (OCD) na gawing national parks ang permanent danger zone sa palibot ng mga aktibong bulkan sa Pilipinas para maprotektahan ang mga residente na naninirahan sa nasabing mga lugar.

Ayon kay OCD Administrator Ariel Nepomuceno na base sa kaniyang pakikipag-usap sa iba pang mga opisyal na sa pamamagitan ng nasabing rekomendasyon ay hindi na maiengganyo pa ang mga residente na manirahan sa loob ng permanent danger zones.

Subalit aminado naman ang opisyal na maaaring magkaroon ng ilang mga isyu.

Kagaya na lamang sa ilan na mayroong mga titulo ng lupa sa 6 kilometer danger zone.

Kayat ipinunto ng OCD official na nais nilang itong maisabatas at pag-aaralan ng kanilang disaster officials para sa posibleng pagpapatupad na mga polisya o ordinansa kaugnay dito.

Binigyang diin din ng opisyal na nakakapagod din ang paglikas ng mga tao ng paulit-ulit sa tuwing nagkakaroon ng pag-alburuto sa bulkan at mauubos ang resources ng mga barangay at ng national government.

Ayon naman kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) nasa 4,749 families o 18,184 individuals ang naninirahan sa loob ng permanent danger zone.

Sa huling datos naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nasa mahigit 20,000 mga residente na ang inilikas dahil sa patuloy na pag-alburuto ng bulkang Mayon.