Reading Time: 1 minute

Inamin ng opisyal mula sa National Water Resources Board (NWRB) na posibleng bawasan pa nila ang alokasyon ng tubig sa mga sine-serbisyohang lugar kapag patuloy na bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ayon kay NWRB executive director Sevillo David, gagawin nilang 36-cubic meters per second ang water allocation mula sa kasalukuyang 40-cubic meters second.

Ito ay kapag hindi pa nadagdagan ang antas ng tubig sa naturang dam.

Nitong umaga nang numipis pa ang water level sa Angat Dam kung saan pumalo na sa 161.3-meters above swa level.

Batay sa datos ng NWRB, 160-meters above sea level ang critical na sukat nito.

Una ng nagdesisyon ang water concessionaires na Maynilad at Manila Water na bawasan ang water allocation sa mga customer nito dahil sa patuloy na pagbaba ng water level kahapon.

Dahil dito makakaranas ng ilang oras na water interruption ang kanilang mga customer hanggang Biyernes, June 21.