Reading Time: 1 minute

Nagbabala ang National Water Resources Board (NWRB) sa posibilidad na lalo pang bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Sa pagdinig ng House oversight committee sa water shortage crisis sa Metro Manila, iginiit ni NWRB Executive Director Sevillo David na maaring bumaba pa sa 157.57 meters ang water level sa Angat Dam sa weekend.

Ito aniya ay kung hindi magkakaroon ng mga pag-ulan sa mga susunod na araw sa nasabing watershed.

Ayon kay Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado, nasa 159 meters na lamang ang tubig sa Angat Dam hanggang kaninang umaga at inaasahan ding lalo pa itong bababa sa mga susunod na araw.