Pinatawan na ng disciplinary sanction ang isang babaeng nurse sa all-male coronavirus ward sa Russia dahil sa pagsusuot lamang ng lingerie sa ilalim ng kanyang transparent na protective gown.

Nag-viral kasi sa social media ang kanyang photo, na kuha ng isang pasyente sa isang ospital sa Tula, 100 milya ang layo sa Russian capital na Moscow.

Sinabi ng nasabing pasyente, wala naman daw naging reklamo rito ang kanyang mga kasama sa kwarto.

Ngunit hindi ito ikinatuwa ng pamunuan ng Tula Regional Clinical Hospital at pinarusahan ang nurse dahil sa hindi pagsunod sa wastong pagsusuot ng medical clothing.

Pero depensa ng nurse, hindi niya raw napansin na transparent ang isinuot nitong PPE.

Masyado rin daw mainit kung susuutin nito ang kanyang uniform sa ilalim ng gown.

Sa kabila nito, sinabi ng regional health ministry na kanila nang dinisiplina ang naturang nurse na lumabag sa panuntunan. (Daily Mail)