Nurse 4
-- Advertisements --
Nurse 4

BAGUIO CITY – Nagpapasalamat ang isang nursing attendant sa Baguio City dahil tuluyan na siyang gumaling sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa panayam ng Star FM Baguio kay Karla Cosme Saja, isa sa mga frontliners na dinapuan ng coronavirus sa Baguio General Hospital and Medical Center, ikinuwento nitong matindi ang kanyang pinagdaanan habang nasa isolation dahil naging kalaban niya rin ang depresyon.

“Ang nilabanan ko po nung nasa isolation room ako is yung depression. Yun po yung number 1 na nilabanan ko. Nalungkot din ako, hindi ko lubos maisip na isa na kong pasyente ng COVID. Depression talaga kasi malayo sa pamilya, limited ang pasok ng mga kasama. Bawal ang dalaw. Very limited yung galaw mo sa loob. Nakakalungot lang,” ani Saja.

Ibinahagi rin naman nito na bagamat pinaghandaan nilang mabuti ang sakit na ito ay naging mahirap pa rin para sa kanila ang pag-iwas dito.

Malaki naman ang pasasalamat nito dahil tuluyan na ring gumaling ang mga kasamahan niyang frontliners na dinapuan rin ng virus.

-- Advertisement --