-- Advertisements --

Mananatiling suspendido ang number coding scheme kahit pa papasok na sa general community quarantine ang Metro Manila simula bukas, Hunyo 1, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA Traffic Chief Bong Nebrija, ito ay para bigyan daan ang mga frontliners na makabiyahe dahil limitado pa rin ang public transportation, pati na rin aniya iyong mga naninibago pa mag-commute ulit makalipas ang ilang buwang lockdown.

Nais aniya nilang bigyan ng sapat na panahon ang mga commuters na makapag-adjust kaya minabuti muna nilang panatilihing suspendido ang number coding scheme simula bukas hanggang Biyernes.

Gayunman, umaapela ang opisyal sa mga mananakay na i-anticipate na ang pagkakaroon ng delay sa travel time kaya mahalagang mag-adjust na rin aniya dito.