Hindi magpapatupad ng number coding ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw Agosto 12, 2019.

Kasunod ito ng pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng regular holiday dahl sa obserbasyon ng Eid’l Adha.

Nangangahulugan nito na ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 1 and 2 ay papayagand makapunta sa EDSA at ibang bahagi ng Metro Manila mula 7 a.m. hanggang 8 p.m.

Tiniyak naman ng MMDA na may mga nakakalat pa rin silang mga traffic enforcers na magbabantay ng daloy ng trapiko sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.