-- Advertisements --

Inatasan ng National Security Council ang concerned agencies na paigtingin ang pagpapatrolya at pagbabantay sa mga aktibidad sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos ang mga napaulat na island-building activity umano ng China sa Escoda o Sabina shoal.

Inihayag ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na naalarma sila sa naturang development inatasan na ang National Task Force for WPS para sa mas maigting na pagbabantay sa ahat ng features sa loob ng 200 nautical miles ng exclusive economic zone ng PH.

Saad pa ng NSC official na responsibilidad nila sa ilalim ng international law na siguraduhing hindi nasisira at hindi nagkakaroon ng mga reclamation activity sa WPS.

Una rito, sinabi kamakailan ng Armed Forces of the Philippines na napigilan ang pinaghihinalaang reclamation activities ng China kasunod ng presensiya ng Philippine Coast Guard sa lugar noong Abril.