Reading Time: 1 minute

Napili ang Nevada States Athletic Commission (NSAC) na siyang magsasagawa ng drug testing kina Sen. Manny Pacquiao at Keith Thurman.

Kasunod ito ang lumabas na usapin na unang napili ay ang Voluntary Anti-Doping Agency (VADA).

Mas pinipili kasi ng WBA ang NSAC dahil walang nagiging problema at walang anumang reklamong natatanggap kumpara sa VADA.

Bagamat hindi pa inaanunsiyo ang petsa ng drug testing ay posible itong isagawa ilang linggo bago ang laban ng dalawa sa Hulyo 21 sa Las Vegas.