-- Advertisements --

Nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang mga miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa mga mahal sa buhay ng kanilang political party founder na si Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. na pumanaw sa edad na 85.

Si Cojuangco ang chairman emeritus ng NPC, at dati ring gobernador ng Tarlac at nagsilbi rin bilang ambassador.

Sa isang Twitter post, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na kailanman ay hindi makakalimutan ang dedikasyon ni Cojuangco pagdating sa kanyang mga mahal sa buhay, trabaho at nation-building.

Nagpahayag din ng kanyang kalungkutan si dating Sen. JV Ejercito sa pagpanaw ng kanyang ninong na aniya’y “very nice person with a kind heart.”

Maging si Sorsogon Gov. Chiz Escudero, na dating miyembro ng NPC, ay nakikisimpatya rin sa mga nagdadalamhati sa pagpanaw ng business tycoon.

-- Advertisement --