samar2

Patay ang isang hinihinalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) matapos makasagupa ang mga tropa ng 12th Special Action Force Battalion kahapon sa Barangay Inubod, Matuguinao, Samar.


Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis kaugnay sa presensiya ng mga local terrorist group kung saan agad na nagsagawa ng combat operations ang mga miyembro ng PNP Special Action Force.

Sumiklab ang mahigit isang oras na labanan na nag resulta sa pagkamatay ng isang NPA at ang pagkakarecover ng mga armas, bala at mga personal na kagamitan.

samar1

Kinilala ni PNP Chief ang napatay na NPA member na si Alger Hinandoy Morillo residente ng Barangay San ISidro, Silvino Lobos, Northern Samar.

Walang naiulat na casualty sa hanay ng PNP.

Una ng sinabi ni Sinas, na kanilang palalakasin ang operasyon laban sa mga NPA lalo na at binansagan na silang mga terorista.